Savings 101
Maraming advantages ang pag-iipon. But walang tatalo sa peace of mind na dala ng savings. Anumang emergency o
opportunity ang dumating, alam mong masu-survive mo ito.
So bakit kailangang mag-save?
Savings will help you be ready for anything! With savings, ready ka for unexpected expenses, opportunities,
and problems.
Firstly, may emergency fund savings ka in case of health issues, job loss, at iba pang emergencies.
Second, savings will help you prepare for short-term and long-term expenses. By saving small amounts over a
long time period, mas magiging realistic ang pag-abot mo ng long-term goals. Kikita ka rin ng additional
percentage ng iyong savings through interest sa savings account.
Third, savings will give you financial independence. By regularly saving, kakayanin mo maging financially
independent para ma-improve ang quality of life mo until tumanda ka. Hindi ka mapipilitang umasa kahit
kanino.
At extra good news pa! Most retirement savings accounts offer
compound interest para sa maagang pag-iipon.
Kung small amounts lang ang kaya mong i-save, okay lang ‘yan! Just be realistic at consistent with saving to
make it a regular habit.
May pera na ko pang-save! Saan ko ito dapat ilagay?
Ang best place na paglagyan ng iyong savings ay sa isang bank savings accounts. Here’s why:
Kikita ka ng interest rate. For best results, choose a savings account with high interest
rates and compound interest.
Insured ng bangko ang iyong savings. All legitimate savings account have insurance coverage
na up to Php 500,000 from PDIC (Philippine Deposit Insurance Corporation) kaya sigurado kang safe and secure
ang pera mo.
Ngayong alam mo na kung ano ang savings, ang next na dapat mong alamanin ay
Investing 101! Dito mo matututunan kung ano ang investing at paano nito
mapalalago ang iyong pera!