Terms Repository
Dito makikita ang mga mahahalagang terminolohiya na matatagpuan at magagamit mo sa iyong financial literacy journey. Mainam na malaman at alalahanin ang kahulugan ng mga ito para maging handa pa sa mga bago pang matututunan mo!
Check out the terms listed below:
Asset - isang bagay na may economic value, tulad ng savings o real estate.
Annual Return - Ang tubo o lugi sa isang investment sa loob ng isang taon.
Bond - Isang uri ng utang. Kapag binili mo ang isang bond, ikaw ay nagpapautang sa nag-issue nito, na maaaring isang gobyerno, munisipalidad, o korporasyon. Ang nag-issue ay nangako na magbabayad sa iyo ng specified na rate ng interest sa term ng bond at ibabalik sa iyo ang prinsipal - kilala rin bilang ang face value o par value ng bond - kapag ito ay "nagmature" o magdudue matapos ang isang specified date.
Borrow - tumanggap ng isang bagay sa utang na may understanding na ito ay ibabalik.
Borrower - Ang isang tao o organisasyon na humihiram ng isang bagay, lalo na ng pera mula sa isang bangko o iba pang financial institution.
Capital Gain / Loss - Ang tubo na galing sa pagbebenta ng isang investment sa mas mataas na halaga kaysa sa iyong binayaran para dito. Ang capital loss naman ay ang lugi na nagmumula sa pagbebenta ng isang investment sa mas mababang halaga kaysa sa iyong binayaran para dito.
Coupon Rate - Ang interest rate na binabayaran sa isang bond ng nag-issue nito sa term ng security.
Diversification - isang importanteng principle sa investing, ang diversification ay ang pag-spread ng mga investment sa iba't ibang assets na may iba't ibang potensyal na risk. Ang diversification ay isang strategy para bawasan ang overall risks ng pagkalugi.
Emergency Fund - pera na nakalaan para sa mga hindi inaasahang gastos tulad ng pagkawala ng trabaho o medical expenses. Nagbibigay ito ng isang financial buffer na nagpoprotekta laban sa pagkakaroon ng utang.
Equities / Stocks - ang stocks ay mga shares ng pag-aari sa isang publikong kumpanya. Kapag binili o ininvest mo sa isang stock, ikaw ay naging bahagi na ng may-ari o shareholder ng partikular na kumpanya na iyon.
Government Securities (GS) - mga instrumento ng utang na inilabas ng Republika ng Pilipinas para pondohan ang mga public expenses.
Interest - ang percentage ng isang loan principal na pinagpapabayad ng mga lenders sa mga borrowers.
Investment Risk - ang probabilidad o posibilidad ng pagkalugi ng investment relative sa inaasahang return.
Principal - ang halagang dapat bayaran sa isang utang bago ang interes.
Pooled Funds - isang collective investment vehicle kung saan maraming investor ang nagpaparticipate sa pamamagitan ng pagbili ng mga unit o shares ng fund (Mutual Funds, Unit Investment Trust Funds (UITFs), at Exchange Traded Funds (ETFs)).
Maturity Date - ang petsa kung kailan dapat bayaran ang huling amount para sa isang utang, bond, o iba pang financial product.
Money Market Placements - ay mga low-risk debt instruments na nagmamature sa loob ng isang taon o mas maikli. Maaaring magbigay ito ng mas mataas na kita kumpara sa regular na savings account.
Retail Treasury Bonds (RTB) - mga medium- hanggang long-term na debt securities na inilalabas ng Republika ng Pilipinas sa Bureau of the Treasury.
Treasury Bills (T-Bills) - mga peso-denominated short-term fixed-income securities na inilalabas ng Republika ng Pilipinas sa pamamagitan ng Bureau of the Treasury.
Yield to Maturity (YTM) - ang total na inaasahang kita mula sa isang bond kapag ito ay hawak hanggang sa maturity - kasama ang lahat ng interes, coupon payments, at mga premium.