Importance of Financial Literacy

Ano ang mga pangarap mo sa buhay? Sariling sasakyan? Bahay at lupa? Comfortable retirement?

Ilan lang ito sa mga life goals and dreams natin. Pero bakit parang ang hirap nito makamit?

“Ang hirap maka-ipon, parang laging mabilis maubos ang sweldo ko. ”
“Parang dumadaan nalang lagi ang pera.”
“Hanggang dito nalang ata ako - ang pag-asenso sa buhay ay para sa mga mayaman lang”


Nakaramdam ka na din ba ng mga ganito? Gusto mo ba maging mas maging mahusay sa paghahawak ng pera tungo sa buhay ng kaunlaran? At ang mas importanteng tanong, paano?

Financial Literacy

Ito ay ang kaalaman at husay ng isang tao pagdating sa buhay-pinansyal o tamang paghawak ng pera. Kasama rito ang pag-unawa at aplikasyon sa buhay ng tamang pag-iipon, paggastos, pagbu-budget, at pag-iinvest para lumago ang pera at kayamanan.

Pero bakit nga ba importante ang financial literacy sa buhay ng bawat Pilipino?
1. Pagiging Responsable sa Paghawak ng Pera

Kapag may sapat na kaalaman ka kung paano magsave, magspend, magbudget, at mag-invest, mas magiging magaling ka sa paghawak ng pera para sa mga pangangailangan at long-term life goals mo.

Isang halimbawa ng tamang paghawak ng pera ay ang pagdedeposit at pagbui-build ng savings bago gumastos for non-essentials o wants. Knowing how to save and manage your resources can help you ma-achieve ang life goals and dreams mo.

2. Pag-unawa sa mga Ekonomik na Konsepto kagaya ng Inflation

Napansin mo ba na ang dating mga binibili mo sa grocery ay nagmahal? Ito ay dahil sa inflation, isang economic concept kung saan tumataas ang presyo ng mga bilihin at overall cost of living habang tumatagal ang panahon. Bumababa rin ang value ng peso at kakayahan natin bumili ng ating mga pangangailangan.

Sa madaling salita, sa pagtaas ng inflation rate, nababawasan ang value ng ating pera. Let’s say na angprice ng paborito mong burger noong 2020 ay Php 100. Tumaas ang inflation rate to 4.2% sa 2021, kaya ang price nito ay tumaas rin to Php 104.20.



Batay sa table, kung patuloy na tataas ang inflation rate ng 4.2% taon-taon, ang presyo ng isang burger sa 2035 ay aabot na ng Php 227.70. Sa madaling salita, halos kalahati na lang ng burger ang mabibili ng Php 100 mo sa 2035. Nakakalungkot, ‘di ba?

Hindi natin kontrol ang mga pangyayari sa economy. Ngunit, kaya tayong gabayin ng wastong istratehiya ng financial literacy upang maprotektahan ang ating mga sarili laban sa mga malulubhang pagkakataon na ito. Ilan sa mga initiatibo para malabanan ang inflation ay through savings at investing.

3. Pagiging Handa sa Emergency at Hindi Inaasahang mga Gastusin

May emergency funds ka na ba kung sakali magkasakit ka o ang ibang miyembro ng iyong pamilya?

Maraming mga unexpected na pangyayari ay pwedeng mangyari sa ating buhay. Maaaring ito ay sakit, aksidente, biglaang pagkawala ng trabaho, pagkawala ng mahal sa buhay at marami pang iba. Kapag may ganitong mga pangyayari, lalaki ang mga gastusin at maaapektuhan ang ating financial stability.

Dito makikita kung gaano ka-importante ang savings at pagkakaroon ng emergency fund. Dapat masanay tayo na regular na naglalaan ng pondo para makabuo ng emergency fund para tayo ay laging handa sa hindi inaasahan. Maaari rin tayong mag-apply ng insurance policies, Health Maintenance Organization (HMO) Card, at iba pang investments to protect ourselves sa mga di inaasahang financial emergencies.

4. Pag-Iwas sa Sari-Saring Fraud at Scam

Sa paglago ng mga makabagong teknolohiya ay lumaganap rin ang kasamaan sa iba’t ibang uri ng scam.

Ang scam ay isang paraan ng panloloko na mayroong intensyon na pagsamantalahan ang biktima, kung saan nakakakuha ng mga mahahalagang bagay kagaya ng kumpidensyal na impormasyon at pera.

Ang patuloy na paglago ng industriyang ito ay siya ring dahilan kung bakit kailangan natin maging alerto sa sari-saring mga proseso ng scams. Madaling maging biktima ng mga scam kung hindi tayo nag-iingat at ginagawang habit ang pananaliksik. Importante na laging nagdodouble-check kung legit ba ang mga pinapasukan para maiwasan natin ang scams at hindi tayo mabiktima ng mga ito.

5. Ang Financial Literacy ay Susi sa Pag-Abot ng Iyong Financial Goals!

Narinig mo na ba ang konsepto ng financial freedom, o kaya “Financial Independence, Retire Early” (FIRE)?

Ang Financial Independence, Retire Early (FIRE) ay isang proseso na nagtataglay na kapag ang isang tao ay mayroong magandang financial habits, magkakaroon sila ng sapat na pagkukunan upang mabuhay ng komportable, kaya hindi na kinakailangan umasa sa iba. Kahit gaanong katanda, bata man o matanda, mainam na pagplano sa kinabukasan ay taglay sa tunay na kaunlaran, kung saan makatutulong ang financial literacy sa pag-abot ng mga hangarin na ito.

Ngayon na alam mo na ang kahalagahan ng Financial Literacy sa iyong buhay, tignan natin kung handa ka na simulan ang iyong financial journey! Test your knowledge with this short QUIZ.

 Topics

Importance of Financial Literacy
1. Pagiging Responsable sa Paghawak ng Pera
2. Pag-unawa sa mga Ekonomik na Konsepto
3. Pagiging Handa sa Emergency
4. Pag-Iwas sa Scam
5. Ang Financial Literacy ay Susi

Brought to you by:

In coordination with: