Investing 101

Ang investing ay ang proseso ng pagbili ng mga assets o resources na tumataas ang halaga at magbibigay ng kita sa atin in the future. Ito ang magpalalago ng pera natin at tutulong sa'tin makamit ang financial independence.

Ang saving at investing ay parehong mahalaga sa ating financial journey. Pero, kung ikukumpara sila, ang savings ay may siguradong kita na interest kaya low-risk siya habang mas risky naman ang investing dahil nakadepende ang kita mo sa financial markets at galaw ng stocks, bonds, o funds mo.

All investments have risks dahil pwedeng bumaba ang value o magsara ang businesses sa investment na iyong napili. Kaya sa investing, laging may posibilidad na mawala ang parte o bumaba ang halaga ng iyong investments. Pero at the same time, pwede ring mas lumago at lumaki ang iyong kita sa investments. Madalas mas malaki ang kita sa investments kaysa sa savings. Kaya importante na aralin at intindihin muna natin ang mga investment bago tayo maglaan ng pera para dito. At dito ka namin matutulungan!

Paano mag-invest for beginners?

Maaaring hindi mo napapansin, pero marami ka nang investments sa buhay mo. Nag-invest ka ng time and money para sa college degree. O nag-invest ka in a job, a small business, o kahit property. In the future, umaasa kang kumita from these investments.

Ang investing ay ang proseso ng pamumuhunan. Kapag ikaw ay nag-invest, bumibili ka ng mga bagay o assets na maaaring tumataas ang halaga at magbibigay ng higher returns sa future. Pwede ka mag-invest ng time and other resources, pero Investment 101 focuses on investing money. When done right, makakakuha ka ng profit o income. Eventually, these profits will help you build your personal wealth.

Pero may takot ka ba mag-invest kasi hindi ka pa masyadong marunong? Naririnig mo siguro na may mga risks at losses involved. 'Wag kang mag-alala dahil kasama mo kami to help make investing easier for you!

Alamin Muna ang Iyong Risk Profile

Walang kasiguraduhan sa investing. Maaari mag-iba ang outcome from expected returns.

Ang Risk Tolerance ay ang kakayahan ng isang investor na ma-handle ang ups and downs ng pag-iinvest sa financial markets, dahil ang bawat investment product ay may iba't-ibang risks and returns.

Ang risk ay ang posibilidad na bumaba ang halaga ng pera o potential loss na kaakibat ng mga investment decisions.

Ang returns ay ang kita mo mula sa iyong investments.

Tip: The higher the risk, typically the higher your potential earnings will be. Ngunit dapat tandaan na 'di tulad ng savings account, walang kasiguraduhan ang investing kaya ang returns ay naka-depende parin sa kalalabasan ng financial markets. Kaya dapat, pumili ng investments na pasok sa iyong risk profile.

Bago mag-invest, alamin ang iyong risk profile o level ng risk na willing ka kunin. May tatlong uri ng risk profiles:

Kung ikaw ay:

Conservative investor, ang goal mo ay capital preservation o panatilihin ang iyong capital. As much as possible, mas gusto mo sa safe at less risk na investments kasi you are not yet comfortable with losses. Ang mga bagay na pwede pag-investan ay Cash and Fixed-Income Securities, o Money Market. Moderate investor, ang goal mo ay medium to long-term capital growth. Willing ka mag take ng konting risk, at ang iyong portfolio ay maaaring mix ng risky and safe investments. Ang mga bagay na pwede pag-investan ay 50/50 or 40/60 Mixture of Stocks and Bonds, o Mutual Funds. Aggressve investor, ang goal mo ay capital growth. Ikaw ay may sapat na experience at willing kamag-take ng malaking risks kapalit ng malaking returns. Mayroon ka ring sapat na capital para ma-handle ang losses. Ang mga bagay na pwede pag-investan ay Foreign Stocks, Global Funds, o Cryptocurrency.

Subukan mo ang Risk Tolerance Calculator mula sa FiLi App to check your risk profile!

1) I-match ang investments sa time horizon at goals mo

Mahalaga ang oras sa investing. Dapat match ang timeline ng iyong investments sa financial goals mo. Halimbawa ay ang savings ay for short-term goals habang ang investing naman ay for medium to long-term. May ibang investments na kailangan ng mas mahabang panahon para ma-monitor at ma-manage ito.

2) Alamin nang mabuti kung saan mo ilalagay ang iyong pera

Dahil sa risks involved in investing, dapat mag-research muna para madagdagan ang iyong kaalaman, lalo na sa mga investment products with higher risk.

3) Dapat komportable ka sa halaga na iyong i-invest base sa yong Risk Profile

Ang amount na iyong plano i-invest will help decide kung anong investment product ang bagay sa iyo. Mas mainam kung may savings and emergency fund ka na rin bago mag-invest.

Later on, you'll learn na hindi kumplikado o mahal ang pag-invest. Kapag marunong ka na, ito ay magiging extra source of income para sayo. Magkakaroon ka ng kita o profit, at ito ang tutulong sa'yo to build your personal wealth.

Handa ka na ba simulang umaksyon sa iyong financial journey? Take the first step with Financial Planning 101!

 Topics

Investing 101
Paano mag-invest for beginners?
Alamin Muna ang Iyong Risk Profile

Brought to you by:

In coordination with: