Choosing the Right Investments

Ngayon na may kaalaman ka na sa basics of investing, punta na tayo sa types of investments at mga factors na kailangan mo i-consider. Bilang newbie investor, maaari kang malito sa mga different options ng investments.

Dahil doon, bibigyan ka namin ng tips na makakatulong sa’yo pumili ng tamang investments.

Maraming investment products mula sa banks at financial institutions. As a beginner, pwede ka magsimula gamit ang mga financial instruments na ito:

Investment Funds Bonds Stocks Other assets
Investment Funds

Ang Investment Funds ay pooled investments galing sa iba’t-ibang investors. May professional fund manager na maghahandle at mag-iinvest sa iba’t-ibang financial instruments para sayo.

May tatlong uri ng investment fund structures: Mutual Funds, Unit Investment Trust Funds (UITFs), and Exchange Traded Funds (ETFs).

Image not Found

Sa market naman may limang uri ng investment funds na available

  • Money Market funds
  • Bond funds
  • Balanced funds
  • Equity funds
  • Feeder funds
Image not Found

Bonds

Ang Bonds ay uri ng investment kung saan nagpapahiram ka ng pera sa gobyerno o isang kompanya kapalit ng fixed regular interest payments or coupons.

May dalawang uri ng bonds: Corporate Bonds and Government Bonds.

Tip: Para kumita sa bond market, pwede ka bumili muna, i-hold ito, at hayaang mag-collect ng interest. Ito ay paid semi-annually or quarterly, depende sa bond. Pwede ka rin magka-tubo sa pamamagitan ng pagbebenta nito sa mas mataas na presyo kaysa sa pagbili mo.

Stocks

Ang stocks naman ay representation ng small portion ng isang company. Mabibili at mabebenta ito sa stock market. High-risk ang stocks dahil pabago-bago at unpredictable ang kanilang presyo sa maikling panahon. Pwedeng bumaba ang investments mo sa stocks kapag nag-invest ka sa companies that perform badly. Pero, if these companies grow, tataas rin ang kanilang value.

Ang kita sa stock market ay sa pamamagitan ng dividends at capital or price appreciation.

Ang dividends ay ang bahagi ng kita or profits ng kompanya na ibinibigay sa mga shareholders. Ang capital or price appreciation ay ang pagtaas ng stock price ng isang kompanya. Para kumita, bibilhin ng isang investor ang isang stock kapag mababa ang presyo at ibebenta kapag mataas ang presyo.

Ang Philippine Stock Exchange (PSE) ang namamahala sa Philippine Stock Market. Kapag ikaw ay bumili o nag-invest sa stocks, ikaw ay magiging part owner o shareholder ng isang corporation.

Kailangan mo ng isang stock broker para bumili at magbenta ng stocks. Ito ay isang tao o kompanya na accredited ng Philippine Stock Exchange at Securities and Exchange Commission na magbenta at bumili ng stocks on behalf of investors.

Bilang summary sa types of investment products:

Image not Found

Investment Tip: Mag-invest sa iba’t ibang types of products para kapag bumaba ang value ng isang investment, hopefully ay tataas o mare-retain lang ang value ng iba mong investments para hindi ka masyadong maapektuhan. Ito ay ang tinatawag na diversification.

To know kung anong mix ng investments ang best para sayo, check out this Portfolio Recommender in the FiLi App! Gamitin lang ang iyong Risk Tolerance Score mula sa Risk Tolerance Calculator.

 Topics

Choosing the Right Investments
Investment Funds
Bonds
Stocks

Brought to you by:

In coordination with: