Budgeting 101
Ang budgeting ay isang adhikain kung saan masusing pinaplano ang paglaan ng pera o income dahil may layunin
tayong ipalago ang kayamanan.
Kailangan masundan mo kung saan nanggagaling ang iyong pera at kung saan mo ito ginagastos. Alamin ang iyong
spending habits:
Bumuo ng plano sa iyong mga gastos para maiwasan ang overspending at mga unnecessary expenses.
Halimbawa: Kailangan mo talaga ng bagong bag na ‘yan? O bagong branded na sapatos?
Sa mga gastusin, dapat sundin natin ang nabuong plano at magkaroon tayo ng disiplina para maiwasan ang
“impulse buying” o biglaang paggastos sa mga bagay na hindi naman talaga kailangan.
Mga Kinakailangan?
1. Budgeting App, Spreadsheet, o Online Budget Calculator
Sa pagbubudget, pwede ka gumamit ng sari-saring mga plataporma kagaya ng pen at paper, ngunit maari rin itong maisagawa gamit ang mga online budgeting apps. Check out the cash flow tracker of FiLi app to get you started!
2. Financial statements at Paperwork
Ito ang mga dokumento na nagsasaad ng iyong mga income at expenses. Halimbawa ay payslips, bills, loan statements, at bank transactions. Parte ng budgeting ang pag-compute ng iyong average monthly expenses, kaya makakatulong ang mga ito sa masusuing pag-analisa.
Make a budget in 5 steps!
Step 1: Alamin ang Iyong Regular Monthly Income
Kung regular employee ka, ang iyong monthly income ay makukuha sa pag-alam ng iyong take-home pay na natatanggap kada-buwan. Kung self-employed o may ibang source of regular income ka naman, ang pagcompute sa earnings after tax ay iyong monthly income.
Tip: Kung bago ka sa budgeting, pwede mong subukan ang 50/30/20 Budgeting Guide ng Harvard bankruptcy expert na si Elizabeth Warren. Ayon sa kanya, 50% ng iyong income ay dapat mapunta sa needs, 30% sa wants, at 20% sa savings at investments. Magandang panimula ito especially if you’re new to saving and investing.
Step 2: Ilista ang Iyong Monthly Fixed at Variable Expenses
Ilista ang lahat ng expenses mo in a month at hatiin ito into two categories.
Fixed Expenses - Ito ang mga expenses na hindi mo pwedeng hindi bayaran at hindi dapat
ipagpaliban. Kadalasan, ang mga fixed expenses ay binabayaran buwan-buwan at ang amount na ito ay hindi
masyado nagbabago tulad ng rent, kuryente, tubig, at iba pang monthly bills.
Variable Expenses - Ito ang mga expenses na maaring ipagpaliban o mga hindi mo inaasahan. Ang
amount na dapat bayaran sa variable expenses ay madalas magbago. May mga variable expenses na madali mo
ma-kontrol tulad ng damit, grocery, at entertainment, at mayroon naman na mahirap ma-kontrol tulad ng medical
bills at home repairs
Step 3: Total your Monthly Income and Expenses
Ngayon, i-add mo na lahat. Equal ba o mas mataas ang iyong income kaysa sa monthly expenses? Good job! Ang
goal ng budgeting ay para bumaba ang iyong expenses at maging equal or lower ito sa iyong income para may
extra money ka to save, invest and grow your wealth para sa iyong financial goals.
Pero paano kung mas mataas ang iyong expenses kaysa sa income mo? It means you are overspending. But that’s
okay! Kailangan mo lang mag-adjust sa ibang areas ng iyong spending.
Step 4: Mag-Assign ng amount for your expenses
Dahil alam mo na ang mga expenses mo kada-buwan, mag-assign ka na ng enough amount for each expense para sa
susunod na buwan. Start with your fixed expenses and needs, then your variable expenses and wants. Kung wala
ka pang savings o emergency fund, kailangan mo na simulan magbuild o maglaan ng allowance for “unexpected
expenses”. Ito ay para hindi mo ma-exceed ang iyong monthly budget in case of emergencies.
Example
Expenses | Type | Amount |
---|---|---|
Rent | Fixed - Need | Php 10,000 |
Electricity | Fixed - Need | Php 2,000 |
Water | Fixed - Need | Php 1,000 |
Food | Variable - Need | Php 5,000 |
Travel | Variable - Want | Php 2,000 |
New Clothes | Variable - Want | Php 500 |
Reminder
Sa pag-aassign mo ng amounts sa bawat expense, try to make your total monthly expenses equal or less than your
income. Para tama ang pagbudget, be honest about your income, expenses, and spending habits.
Step 5: Maglaan ng Extra Income for Savings or Investments
Done assigning amounts para sa iyong expenses?
May natira pa ba sa iyong income?
Kung wala na, try to lower your expenses.
Kung meron pa, then it’s time to build your savings and investments! I-assign ang iyong excess income sa
savings accounts or investments para lumago ang pera mo. Mas maganda kung masusundan mo ang 50/30/20 rule kung
saan maglalaan ka ng 20% sa savings at investments!
How to use your budget
Congratulations, nakagawa ka na ng simpleng monthly budget! It’s time to follow, track, and update it as you
spend for the next month. For best results, i-record mo ang expenses mo on your budget tracker daily. Dito,
makikita mo agad kung naaabot mo na ang iyong spending limit in each category. Still not confident na
masusunod mo ang iyong budget? Then pwede mong i-adopt ang envelope system.
Finally, be patient with yourself at huwag sumuko when you overspend! You can simply move money from other
categories to cover emergency spending. As you master budgeting, makakapaglaan ka na ng cash for your monthly
bills, to pay your debts, to build savings, and to start investing!. Eventually, makakahanap ka rin ng space
in your budget for future financial goals!
Ngayon at kaya mo na bumuo ng budget plan, ang susunod na dapat mong gawin ay magsave! For saving tips, maaari
mong basahin ang Savings 101!